minsan nakakairita nalang talaga.
Friday, May 2, 2008
Okay, magpopost ako dito na kung babasahin--eh, di masyadong magandang basahin. Tungkol ito sa mga nagpopost sa ML ng Sponge Cola, yung tipong mahilig mambaha ng mga mensahe e kung susuriin wala namang kakwenta kwenta. Kung sa tingin mo isa ka sa mga yun, tingin ka sa pinakaitaas ng browser mo, kita mo yung X dun na nasa kahon na pula? Yun, pindutin mo yun. Okay?
Di ko alam kung ipopost ko ito sa ML ng Sponge Cola kasi nakakaasar nalang talaga kung minsan. Pero kung ano man, ipopost ko nalang dito kung hindi ko man siya mailalagay sa ML. At kung isa ka sa mga taong matatamaan ng sasabihin ko dito, kung ipagkakalat mo yung link ko dahil galit na galit ka sakin. Aba eh. Alam kong madami kayo--sorry nalang, meron akong mga kakampi. At oo, MGA!
"Hello!
Sa mga taong napakahilig mag-post ng mga mensahe dito na kung titignan eh, wala namang kakwenta pero patuloy pa rin sa pagpopost. Eh, Hello sa inyo!
Alam niyo ba na minsan, yung mga messages niyo minsan wala ng ibang linalaman kung hindi, mga walang kakwentahan? Teka, diba may number ka nung ka-emailan mo? e kung tutuusin kaYM mo pa eh. Alam mo namang gamitin ang YM diba? mas okay yun--iilang segundo lang makukuha mo na reply ng kausap mo hindi tulad sa ML, magaantay ka pa ng iilang oras o kaya naman araw pa. Meron din naman text diba? E yun, mas konting paghihirap pa--hindi mo na kailangan ng ilang minuto para maantay na magbukas computer mo, e sa text punta ka lang sa menu tapos messaging. O diba? Mas madali pa keysa pumunta sa home page ng ML ng Sponge Cola para batiin ang iilang tao dun. Minsan yung iba hindi lang kasi ang pagbati ang intensyon niyo/nila eh, minsan para nalang mapansin kayo/sila ng ibang tao, na kung susuriin eh kapansin-pansin nga pero ano? Nakakairita. Punto ko lang kasi, pwede niyo namang mapag-usapan sa text diba? Pangit lang dun yung mga bagay na sobrang wala kakonekoneksyon yung tipong boyfriend ng ate mo napaguusapan niyo pa sa ML, yung mga ganung bagay sa text nalang. Diba? Kaya kayo may clan clan diba? Kung paguusapan niyo man yun, may initials tayong "OT" para kahit papano man lang maiclassify yung post niyo na Out of Topic. Okay?
Minsan naman yung iba, nagpopost ng walang kakone-koneksyon, tulad nung isda nilang tumalon sa tubig, pagkawalan ng kuryente, si Robi Domingo (at oo, crush ko din yun!) at naknakan ng dami pang iba.
Meron pa ngang sinasabing gusto makaclose si Yael, marami din may gusto nun kaso lang, wag mo na ipakitang ganun mo kagusto. Meron ding nagsabi na mas mahal na niya si Yael keysa sa sarili niya. Siguro kung marerape lang nila si Yael, nirape na nila. Alam niyo, ako na natatakot para ke Yael eh. Oo, dumaan din ako sa ganyan pero hindi ganyan kagrabe.
Mas nakakaasar pa minsan, magpopost na nga ng walang kakwentahan tapos GanEetOuh pAh maG'taYp iH!..!!! aLaM niYoUh bAnG naDuDulEenG aNg iBa sA giNaGaWa niYoUh??!!..
Alam kong ang sama ko ng pakinggan, parang may sumampal sayo eno? Iwasan nalang kasi, kung maari icompile nalang sa iisang post ang pagbati niyo. Alam kong hindi lang ako ang naasar sa mga ganito.
Alam kong hindi din matutuwa si Yael sa sinabi ko, dahil malamang kokonti lang ang mga emails na darating na hindi nila ikakatuwa, overwhelming nga naman kasi ang maraming posts pero minsan hindi na maganda ang sobra, okay?
Please be less inconsiderate. Peace mehn!
--A"
Eh, alam kong ang sama sama ko talaga. Pero sorry naman kung parang may tumadyak sayo dahil sa sinabi ko. At oo, opinyon ko lang ito. Di natin maiiwasan na may taong maasar at isa na ako dun.
--A